Martes, Hulyo 14, 2015

Reaksyon sa "Ang Huling Tula na Isusulat Ko para sa 'yo" na isinulat ni Juan Miguel Severo


Ako ay namangha sa tula na pinamagatang "Ang Huling Tula na Isusulat Ko para sa 'yo" na isinulat ni Juan Miguel Severo . Sa pamagat palang masasabi ko na, na ito ay tula na patungkol sa kalungkutan o sa nakasanayan nating salita na "Hugot" o may pinaghuhugutan. Sa umpisa ng kanyang tula mapapansin agad ang emosyon na nais nyang ilabas at ipabatid sa kaniyang tagapakinig. Bawat salitang  kanyang isinambit ay makahulugan na naka ayon sa kaniyang karanasan, at ang karanasan na ito ay pumapatungkol sa kaniyang pag ibig. Makikita sa ekspresyon ng kaniyang mukha ang saya na nadarama habang isinasambit ang  mabubuting kataga na pumapatungkol sa kaniyang iniirog na kalaunan napalitan ng lungkot, galit at hinagpis sa pag-siwalat ng kaniyang hinaing.

Mayroong transisyon ang kanyang paraan sa pag deliber ng tula. Mula sa magandang pangyayari hanggang sa masakit na karanasan. Mapapansin ito sa introdaksyon palang ng kaniyang tula. Sa paglarawan nya sa kaniyang kasintahan, masasabing hindi maganda ang kaniyang saloobin dito.
Sa pagpapatuloy ng kaniyang deliberasyon, higit kong naramdaman ang kanyang nais ipabatid. Sobrang bigat ng pinanggagalingan na nagdadala sakin upang maging seryoso sa aking pakikinig. Bawat linyang ibinabato, hinaing, hiling at iba pa ay tumatagos sa aking puso. Ang kanyang linya na "ayaw ko na maging mahalaga,... gusto ko ay mahalin", dito aking napagtanto na malaki ang pinagkaiba ng mahalaga sa pagmamahal. Na ang mahalaga ay nararapat o dapat na gawin at ito ay tumitingin lamang sa iisang panig ngunit ang pagmamahal ay tanggap ang tamis at pait ng buhay.

Mas lalong nagpamahangha sakin ang linyang "Patawarin mo ako sa hindi ko pag-tahan at patatawarin kita sa hindi mo pag luha", dito naramdaman ko ang karagdagang bigat ng aking pakiramdam. Medyo "sarcastic" ang dating nito at malalim ang kahulugan dahil  sa magkasalungat ang rason. Ang pinaka nagustuhan kong linya ay ang huling katagang sinambit niya "iniibig kita, at ubos na ubos na ako" matindi ang impak nito saakin dahil pagkatapos ng lahat ng kanyang hinaing at sa wakas pinakawalan na nya ang kaniyang sarili sa kaniyang paghihirap.

 Kung ihahambing ko si Juan Miguel Severo sa isang bagay, para syang isang "BOMBA". Bomba dahil mapapansin ang kanyang pagiging balisa at nais nang sumabog anumang oras. At sya nga ay nagtagumpay dahil  nailabas na nya ang matagal nang nakatagong bigat ng emosyon sa kaniyang puso.

Sa kabuuan, napakaganda ang nilalaman ng tula na talagang mapapadala ka sa iyong pakikinig, Ang paraan nya ng pag-dedeliber ay naayon sa emosyon na kaniyang inilalabas o pinapakita na lalo pang nagpatibay sa nais nyang ipabatid.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento