Huwebes, Hulyo 23, 2015

Filipino 01

Ito ay aking akda na tungkol sa aking natutunan sa aming guro na si Mam Vinluan. Base ito sa aking obserbasyon sa aming klase at sa aking pang-unawa sa asignaturang aming tinatalakay.

Malawak ang asignaturang Filipino, bagamat naituro na ito sa elementarya at hayskul, may mga talakayin paring komplikado para sakin at nalimut na dahil sa haba ng panahon ng aking paghinto sa pag-aaral. Sa pag iintrodaksyon ng aming guro sa asignaturang Filipino 01, nagbalik saakin ang mga leksyon na itunuro sa amin noong ako'y nasa mababa at sekondaryang paaralan, mula sa depenisyon ng wika hanggang sa pinaka huling talakayan sa nakaraan naming pagkikita. Hindi man polido ang aking pagka-alala dahil malilimutin din ako, natulungan naman ako ng aking guro upang alalahanin ulit ang mga talakayan tungkol sa aming asignaturang filipino01. at masaya ako dahil hindi lang sa asignatura ako natututo kundi dahil din sa kanyang pag-uugali. Masasabi kong magaling ang aming guro dahil ipinapakita ang kanyang "passion" sa pagtuturo  at mahal nya ang asignaturang kanyang tinuturo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento