Si Ako, Pero Maari din Maging Kayo
By: Mj Dela Cruz
Ako ay tutula, pero hindi mahaba
Dahil aking pipiliin para madaling paikliin
Ang mga salitang na nasa isipan, na aking pinagsikapan
Dapat may laman kahit walang mapuntahan
Ako ay tutula, dadagan pa ang linya
Pero wala akong ideya sa kung paano ang tirada
Bagamat hindi makata, dapat tugma
Ang mga kataga, na nagmumutawi sa aking bunganga
Ako ay tutula, oo ako na ang bahala
Mahirap makipagtalo, sa ulong mapagtanto
Bagamat may naisip, ang puso naman ay sipsip
Kaya naghahalo, ang dapat mabuo at isa-ulo
Ako ay tutula, saan na papunta
Wala na sa isipan,dahil sa nagkayayaan
Nasulsulan lang ni tropa para lang magdota
Ayun wala na sa direkyon, sayang lang ang tuwisyon
Ako ay tutula, si nanay ay abala
Habang siya'y nagluluto, ako naman ay nagmamando
Ng mga tropa sa coc, na dapat ako ay nagsisi
Ayaw bitawan ang telepono hayan at nasigawan at napangiwi
Akoy ay tutula, anung oras na
Malapit na ang susunod na klase pero ako'y nagsusulat pa
Kahapon ang pasahan ngunit ngayon lang pinagsikapan
Dahil si ako ay magaling lang pag-oras na ng madalian.
Bow!! -_-